Editorial / Opinion

EDITORYAL  |  Sa gitna ng pagtulog at pagbangon

MARAMING BAGAY ANG MAAARING ihalintulad sa sitwasyon ng aming pang-kampus na pahayagan.  Katulad ito ng isang tulog na bulkan na unti-unting gumigising para bulabugin ang isang tahimik na bayan.  O, isang diesel-powered na sasakyan na nagpapainit ng makina; isang elesi na dahan-dahang umiikot bago tuluyang lumipad ang eroplano; o isang atletang napilayan, na muling tatayo para tapusin ang laban.

Pwede ring katulad ito ng isang taong may LBM, na sa tagal ng pagtitiis ay nakahanap din ng banyong mapagrarausan.

Pero syempre, hindi naman nangangahulugan na ang finished product ay katulad ng aming dyaryo.

Pasensya na kung napaka-laking bagay, kung masyadong poetic o graphic, dahil napaka-importante para sa amin ng pagbabalik ng The Muralla.  Ang Muralla, na opisyal na pahayagan ng mga estudyante ng The Manila Times College, ay ang organisasyong nagbubuklod sa mga estudyante na may iba’t-ibang pinagmulan, ugali, kaisipan, karanasan, at pamumuhay.

Matapos ang mahigit sa isang taong pananahimik, nandito na naman kami para magbigay ng opinyon tungkol sa mga isyung pang-pulitika, sining, kultura, at iba pang aspeto ng buhay estudyante.

Pero iba na ang Muralla ngayon.  Una sa lahat — sa wakas — mayroon na kaming sariling domain!  At mula sa themuralla.com, kami na ngayon ang themuralla.orgisang bagong web address kasabay ng bagong layoutHappy New Year!

Pangalawa, mayroon kaming mga kaibigan na iniwan na ang Muralla dahil kailangan na nilang magsulat para kumita ng pera.  At pangatlo, mayroong mga bagong miyembro na tutulungan kami sa pagbuo ng mga storya!  (‘Di ba?)

Syempre, biro lamang.  Masayang-masaya kami para sa mga kaklase naming nagtapos ng pag-aaral, sapagkat magiging mas makabuluhan ang mga buhay nila (at manlilibre sila ng tanghalian para sa ilang meeting ng Muralla).  At masaya rin kami na may bagong miyembro, nang magkaroon naman ang publikasyon ng mga bagong opinyon na magbibigay ng ibang perspektibo.

Nagdesisyon din ang bagong editorial board na pag-hiwalayin na ang Features Section sa tatlong departamento: ang Society and Politics, Arts and Culture, at Lifestyle and Entertainment.

Sa taong din ito sisimulan ng Muralla ang malawakang paghahanap at pagtanggap sa outside contributors o ‘yong magpapasa ng mga gawa nila, kahit pa hindi sila estudyante ng TMTC.  ‘Yon ay dahil sa kulang na kami sa mga manunulat.

Seryoso man o biro, ito ay patunay na hindi madali ang pagpapatakbo ng isang organisasyon, lalo na sa isang student publication.  Isa siguro ang The Muralla sa mga pinaka-batang campus paper sa mga kolehiyo at unibersidad na nagtuturo ng journalism, sa Metro Manila.  Pagkatapos, walang hard copy o print version ang nasabing dyaryo: naka-salalalay ang mga mambabasa sa internet at sa PDF version na, oo tama ang hula mo, makukuha rin sa internet.

Pero ang mga katangiang iyon (hindi kami nagpapalusot, promise) ang ginawa naming lakas upang matupad ang simple naming pangarap, na unti-unting buksan ang isipan ng mga Pilipino.  Sa panahong ito na maraming kabataang Pinoy ang nakatutok sa mga social networking sites, minabuti naming gamitin ang lakas at bilis ng palitan ng impormasyon para i-pamahagi ang mabuting balita ng kaligtasan (na hindi Facebook ang sagot sa kamang-mangan).

Subalit, isa ring hamon ang maging isang online publication, dahil sa nagsulputan na parang kabute ang mga ibang independent at alternative media outlets.  Siyempre, kung ang audience namin ay ang mga netizens, kailangan naming makipag-agawan sa viewership.

Hindi man malinaw ang dahilan kung bakit kailangan naming gawin ‘yon (dahil di naman kami kumikita dito), siguro ay bumabalik ito sa aming self-conceited reason na paunlarin ang kaisipan ng aming mga kababayan.  May punto naman kami, eh.  Ano, puro ka-artehan at ka-landian na lang ba, mga kapatid?  Puro pa-macho at pa-pogi na lang?  Kailangan tayo ng bayan!

Kami ba ang instrumento ng pagbabago?  Oo, at hindi.  Oo, kasi may mga ideya kami na kailangang makita ng marami.  Kung hindi man ito ang totoo, at least, mapag-uusapan ito, bilang panimula sa mahabang proseso ng paghahanap sa katotohanan.

Hindi kami ang solusyon, dahil sa ngayon, kami ay nasa gitna ng pagtulog at pagbangon.  Nagmumuni-muni pa kami sa mga gawain sa panibagong araw na ito.  Wala pa kaming sipilyo o hilamos.  Ni wala pang mumog.  Wala pang kape, wala pang almusal.  Nagtatanggal pa lamang ng hangover.

Umuugong pa lamang ang lupa, at hindi pa lumalabas ang abo.  Binibitawan pa lang ang clutch pero hindi pa umaabante.  Umaandar pa lamang ngunit hindi pa lumilipad.  Nakakapag-lakad pero hindi pa tumatakbo.

Kaka-hanap pa lang ng banyo, pero hindi pa nakaka-upo.

Ang Muralla ay kapara ng isang bagong gusali.  Kailangang maging mabusisi upang hindi na muling magkamali.  Cut once and measure twice, wika nga ng mga karpintero (at ni Ian Tayao).  Ang kaso lamang, mabagal ang ganitong proseso.  Hindi tayo pwedeng umasa na bukas ay wala nang problema.

Sa madaling salita, hindi pa kami handang-handa para sa giyera.  Hindi pa kami ang kasagutan.  Pero magiging kami ‘yon, sa tulong niyo.  Magiging tayo ‘yon.  Basahin niyo ang mga sinusulat namin.  I-tama ang mga mali sa mga nasasabi.  Umalma kayo.  Sumang-ayon kayo.  I-kalat kung tama; punahin at kausapin kami kung salungat sa sinasabi ng isip niyo.  Sabihin ang impormasyong nalalaman.  Isipin ang kapakanan ng marami, hindi ang sa sarili.

At higit sa lahat, galangin ang opinyon ng isa’t isa.

Dahil sa gayong paraan, baka mabago natin ang mukha ng ating bayan.  At para magawa ‘yon, hindi lang pagbabago ang kailangan.  Hindi puro “change is coming”: kailangang tanggapin natin na may mga pader na hindi natin pwedeng sirain dahil ito ang ating pundasyon, at mayroon din namang mga pader na kailangang pabagsakin para makapag-simula.

Para mabuo ang bagong tahanan, kailangang maghanap ng panambak.  At saan pa ba manggagaling ang panambak na ‘yon kung hindi sa pader ng ating lumang bahay?

Kaya, construction on going, please wear your safety gear.  This is a hard hat area.

 

Mabuhay ang Muralla!  Mabuhay ang kabataang Pilipino!  Mabuhay ang Inang Bayan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s