Society and Politics

Wika Para sa Iisang Bansa

By Joselito R. Roque Jr. |

 

“Ang hindi mag-mahal sa kanyang salita mas higit pa sa hayop at malansang isda,”

Ito ay isa sa pinaka popular na linya sa tula ni Gat. Jose Rizal na “Sa Aking mga Kababata”, isa sa mga tula na hanggang sa ngayon ay may mga ilan pa rin na hindi naniniwala na sya ang may akda. Marahil sa gitna ng debate na kung sino ang tunay na nagsulat ng tula, unti-unti nang nakakaligtaan bawat isa ang tunay na dapat pahalagahan at yun ay ang ibig pakahulugan ng tulang ito.

Mas binibigyang halaga ng iilan ang wikang ingles kaysa sa wikang pambansa. Wala na nga sa isipan ng ilan ang importansya ng pagtangkilik ng sariling wika. Para sa kanila mas importanteng matutunan ang wikang banyaga dahil ito ang mas ginagamit ng karamihang bansa.

Dagdag pa sa kawalan ng kaalaman ng ating mga mamamayan sa sariling wika ay ang pagpapairal ng ating sariling gobyerno ng mga batas na salungat sa kung paano nais ni Rizal na palawakin, paunlarin at pagyamanin ang wikang Filipino

Ang isang isyung pang edukasyon na tinututulan ng karamihan ay marahil isang patunay kung paano pinababayaan o sa madaling sabi, kung paano hindi binibigyang importansya ng ating gobyerno ang wikang pambansa. Ang pagpapatanggal ng Filipino subject at paglilipat nito sa grade 11 at 12 ay isang malaking dagok sa mga estudyante, karamihan sa kanila ay nakasanayan ng mayroong Filipino subject sa kolehiyo. Maaari silang manibago kung ito’y aalisin.

Hindi rin lahat ng umaabot ng kolehiyo ay wasto o perpekto sa kanilang sariling wika.

Maraming guro ang mawawalan ng trabaho at maging sa ordinaryong Pilipino, hindi lahat ng mamamayan ng bansa ay nakatapos o nabigyan ng pag-kakataong mapag aralan ang wikang ingles. Marahil isa na rin ito sa maling desisyong ipatutupad ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Department of Education (DepEd).

Sa isang artikulo ng Veritas, sinabing mababaon sa utang ang Pilipinas sa pagkaka-alis ng Filipino subject sa kolehiyo”. Nangangmba ang Pambansang Samahan ng Lingwistika at Literaturang Filipino na madagdag lamang sa buwis ng mga mamamayan ang stabilization fund na hinihiling ng CHED”.

Mas maiging gumawa ng mas magandang desisyon na kung saan matutulungan ang wika sa pagunlad at hindi tuluyang makaligtaan ng bawat isa.

Mahalagang mapaunlad natin ng lubos ang ating wika, ito ang nagbubuklod sa atin bilang isang bansa at bilang isang Pilipino.

Nakasaad din sa akda na “Ang salita nati’y tulad din sa iba na may alpabeto at sariling letra” Kagaya ng sa Ingles, Kastila, Latin at ng iba pang salita, ang wikang Filipino ay may katangian din ng tulad ng sa iba. Hindi natin maaalis ang posibilidad na ito’y maimpluwensyahan ng dayuhan, ngunit maaari nating mapanatili ang sarili nitong katangian ng hindi nadadaig ng banyaga.

Tanggap sa ating lipunan na ang Ingles ay wika ng mga may kaya sa buhay at nakapag-aral kung baga’t may mga tinawag na mga conyo na ibig sabihin ay ang  mga nagsasalita na may halong Ingles at kakaunting salitang Filipino. Kung ito ang katotohanan, bakit tayo papayag sa edukasyong nagpapalawak sa ating pag-Iingles na nagbibigay daan sa pagkakainitindihan ng mga piling grupo lamang? Ang pag-sangayon sa pagtanggal ng Filipino sa curriculum ng mataas na antas ay pagsangayon sa pagpapangkat na nakakasira sa hinahangad nating pagkakaisa.

Mas magiging malaya at matagumpay ang isang bansa kung mayroon itong isang wikang ginagamit upang mas maging malinaw ang komunikasyon ang bawat isa.

Hindi nasusukat ang estado ng isang bansa sa kung ilang wika ang nalalaman nito, sapat na marahil ang isang wika upang pagbukludin, paunlarin, palaguin at palayain ang isang bansa. Huwag nating hayaan na sa patuloy na progreso ng bansang Pilipinas, makaligtaan nating isabay sa pagunlad ang wikang Filipino.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s