Opinion

Anyare?

By Jemaima Rae C. Porter, Staff Writer  |

Kaliwa’t kanan ang mga balita tungkol sa mga kalamidad na nararanasan sa iba’t ibang sulok ng ating bansa.  Kasabay ng mga ito, kaliwa’t kanan din ang balita tungkol sa mga Relief operations ng ating pamahalaan.

Ngunit isang tanong ang naiwanan nang walang sagot: Anyare?

Anyare sa relief goods?

Anyare sa Tacloban?

Anyare sa local government?

Anyare sa pag-banyo ni PNOY?

Anyare kay Korina?

Anyare kay Napoles?

Tuwing ililipat ko ang channel ng telebisyon para manuod ng balita tungkol sa mga taong nagugutom sa Tacloban, laking pagtataka ko, saan napupunta ang mga donasyon ng mga kumpanya?

“Wala kaming makain,” iyan ang naririnig ko sa tuwing ikinapanayam ang isa sa mga nasalanta.

Halos umabot na ng milyon ang donasyon ngutin di parin umaabot sa sikmura ng mga taong nasalanta ng bagyo at mga taong ilang araw nang nagugutom.

Isa pa itong epal na politiko, itago na natin sa pangalang Binay, aba e, nakuha pang isingit ang pangangampanya sa pag-tulong. Buti sana kung pati yung papel na may imprenta ng mukha at pangalan niya ay nakakain, edi mainam, pero hindi eh, kung sana sa halip na igastos niya sa pagpapa-imprenta ng mukha niya sa bawat plastic at papel ang pera niya, sana ibinahagi na lamang niya sa mga nasalanta.

Okay, nakatulong nga siya, pero tandaan: Laman-tiyan at tirahan ang kailangan ng mga Tacloban, hindi laman-basurahan.

Isang salita lang ang bukambibig ko sa tuwing nakikita ko ang mga isyu ng pamahalaan at mga politiko, Henebeyen! Libu-libong tao na ang nagugutom, nakuha pa nilang mag-isip ng para sa sarili nilang ika-uunlad at ika-bubuti.

Isa pa itong si Rated K! Rated na nga, Trending pa! Nakuha pa kasi manlait ng kapwa niya reporter, kung yung mga panahon ng panalait niya ay idinaan nalang sa pamamahagi ng tsinelas sa mga nasalanta, panigurado naman maraming mamamayan ng Tacloban ang nawalan ng tsinelas dahil inanod noong nagka-storm surge, edi sana nakatulong na siya, hindi pa siya bakasyon ngayon.

Sunod-sunod ang unos na ating kinakaharap. Na-Napoles na nga ang kaban ng bayan, Na-lindol na ang Bohol, Na-Yolanda pa ang Tacloban.

Sa laki ng nasirang kabuhayan at mga tahanan sa mga lugar na nasalanta, ang daming dapat pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan.

Ay nako po! Ang sakit sa kilay ano po?

Pero yan tayo eh!

Sa dami ng kurakot, mapanlinlang at kurakot ulit, anyare sa Pilipino?

Ito, ngumingiti parin. Napapa-selfie parin at kumakaway pa sa kamera pag-natututukan.

Yan ang Pilipino, lumindol man o bumagyo, kurakot man ang gobyerno, standing tall parin tayo!

Hanggang dito nalang, mag-babalot muna ako ng relief goods.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s