Opinion

Pa-Sottocopy nga!

Juan Fernando Camahalan, Staff Writer

“HINDI NABABATAY SA PAPEL ANG MGA NUTUNAN. ITO AY GINAGAWA SA REALIDAD, TANGA!”

Madali na ngayong magpanggap na matalino. “Sumotto” ka lang sa mga akda ng iba, aba! Instant henyo ka! Hindi lahat ng mga bagay na isinusulat sa papel ay ciento porciento na totoo at may kredebilidad lalo na ngayong napakabilis ng umagos ang mga impormasyon.

Ang mga natutunan ay hindi nakikita sa likod ng mga letra. Madali lamang magsinungaling sa pamamagitan ng letra. Humanap ka lamang ng isang paksa na kaugnay sa iyong natutunan basahin mo lamang ito at sa loob lamang ng isang oras ay baka makagawa ka na ng 7 pahinang sanaysay ukol sa iyong “natutunan”.
Parang sa pinag-aralan lamang iyan. Kahit mataas ang iyong mga marka ay hindi ito ang kasiguraduhan na magiging magaling ka sa iyong propesyon. Ang mga pinag-aralan mo sa loob ng apat na taon ay isa lamang malaking ideya sa iyong tinatahak na propesyon. Lahat ng mga bagay na sinasabi ng iyong guro ay isang ideya lamang sa papasukin mong mundo. Wala namang makapagsasabi ng realidad. Ito ay bigla na lamang darating sa iyo na parang isang bala na hindi mo namamalayan na tumagos na sa iyo.

Hindi ka naman Diyos para sabihin na wala kang karapatang makamit ang isang bagay dahil hindi mo naipasa ang papel ukol sa iyong mga natutunan. Napakalaking kabobohan iyan! Bakit mo ibabase ang kaniyang natutunan sa papel? Pwede namang “sinotto” niya lamang ito sa ibang tao na natuto sa kahalintulad na paksa?

Buti sana kung iyan ay isang tesis. Madaling mabuko kung iyan ay “sinotto” o hindi. At isa pa sa kapirasong papel ay huhusgahan mo agad ang isang tao? Hoy! Mahiya ka naman! Ano ka Diyos na perpekto?

Minsan naiisip ko kung ako lamang ang Diyos malamang, masisiraan na ako ng bait. Ang aking mga nilalang ay walang kasusta-sustansiya. Kahit ang mga demonyo ay masisiraan din ng bait dahil sa kanilang kawirdohan at kababawan ng utak. Gamitin naman ng napakaayos ang utak kapag may time. At umayos ka rin naman kapag may time ka. Kung hindi, makipag-usap ka na lamang sa pagong.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s