Opinion

Ang pag-asa ng taong paasa

“KUNG TRIP MO ANG MAG-PAASA SA MGA TAO, MABUTI PANG ISAKO MO ANG SARILI MO AT PAUSUKAN BAKA SAKALING MAGBUNGA IYANG GINAGAWA MO.”

Ang mga taong mahilig mag-paasa sa mga tao ay isang karimarimarim na pag-uugali. Labag din ito sa etika. Malamang, kung magsasabi ka na ganito, ganire, at hindi naman ito mangyayari aba! Napakawalanghiya mo naman. Matapos magbigay at magugol ng kaniyang lakas at panahon, ay ang mangyayari ay ginawa mo lang siyang tanga!

Hindi mo maiiwasan na may mga taong ganiyan. At ang nakakabuwisit pa rito ay kilala mo at nirerespeto mo siya. Hindi mo minsan mawari kung bakit siya ganon?
Minsan sa sobrang pag-iisip mo, aakalin mo na siya ay isang adik o kaya’y isang baliw na dapat na lamang unawain at intindihin kahit wala ka sa wisyo na gawin iyon dahil ikaw ay nahihiwagaan sa kaniya.

Napakasakit sa kalooban na paasahin ka lalo na yung nagbigay ka ng iyong oras para lamang doon sa walang kuwentang bagay na iyon. Buti pa nga ay may nagmalasakit para maisaayos ang lahat. Eh kung wala ka doon, ano? Magmumukha silang tanga doon at nagtititigan para sa wala.

At isa pa, dapat sa umpisa pa lamang ay itinumbok mo na ang gusto mong mangyari. Halimbawa: “Pasenysa na at maliit na halaga ang aming maibibigay sa iyo.” O kaya naman ay: “Wala kang matatanggap na kung ano dito sa ngayon ngunit may ibibigay kami sa iyo.” Mahirap bang sabihin iyon? Mahirap bang magpakatotoo?

Ang mga taong hindi nagpapakatotoo ay isang mangmang. Buti pa nga yung isang senador, sinabi niya sa publiko na wala siyang alam sa pagiging mambabatas dahil high school lamang ang kaniyang natapos. O hindi ba mas kahanga-hanga ang kaniyang ginawa? Walang anumang bahid ng kasinungalingan. Diniretso niya agad ang kaniyang “punto de vista”.

Ang buhay ay isang kahon ng basura. Hindi mo mahihiwalay ang mga bulok sa mga hindi nabubulok. Mahirap tukuyin ang mga pwedeng pakinabangan, yung mga walang pakinabang at yung mga basura na makakapinsala sa iyo. Ang tanging puwede mong gawin ay takpan na lamang ang ilong para hindi mo maamoy ang nakakasulasok na amoy ng kapaligiran.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s