Opinion

Nagtatanong ka pa!

By: Juan Fernando Camahalan

“HALATA NAMAN ANG KASAGUTAN, NAKUHA MO PANG MAGTANONG!”

Hindi naman masamang magtanong. Ngunit, minsan ang pagtatanong ay walang magandang maidudulot. Malamang kapag tanong ka ng tanong lalo na’t halata naman ang kasagutan, mabuburyo sila at bigla ka na lang maisako.

Hindi ko lubos malaman kung nasaan nagmula ang ganitong pag-uugali ng mga Pilipino. May mga taong ganiyan na hindi mo malaman kung papansin o sadyang tanga lang. Isa sa halimbawa nito ay sa pampublikong sasakyan. Si manong tsuper ay halos mapaos na kakasigaw ng kaniyang ruta at biglang may taong susulpot mula sa hindi malamang direksyon at sasabihin: ”Manong saan po ang ruta niyo?” Minsan, gusto kong pilosopohin at sabihing: “Ay! diyan lang sa unang kanto.

Nagtitipid kasi ng gasolina si manong tsuper kaya isang kanto lang ang ruta niya.”
Ito naman ang pinakanakakaburyo na sitwasyon: may mga taong nasa shopping mall at magtatanong kung saan yung ng isang tindahan o kaya isang restaurant.

Ano pa kaya ang silbi ng mall directory na high-tech at yung mga direksyon na nakakabit sa kisame ng mall? Nakakalat naman ang mga iyon sa mga sulok ng mall hindi ba?. Ano iyon? Palamuti lang sa mall para masabing sulit at first-class ang kanilang serbisyo? At ano naman kung ngayon mo lang narating yung mall na iyon? Hindi naman iyon katuwiran. Gamitin naman ang utak kapag may time.

Kaya minsan nagiging bastos tayo sa kapwa natin. Hindi naming pwedeng sisihin kung bastos ang ating asal. Dahil may rason naman. Sadya kasing may mga taong talagang ipinaganak dito para mamburyo at bigyan ka ng sakit ng ulo, Hindi ba?

Kaya ang moral lesson ay: Isapaw ang bahaw na kanin sa bagong sinaing.

Ayan, napakagandang moral lesson! Kung iisipin mo ay may katuturan naman ang ating moral lesson. Alam mo naming isapaw mo ang bahaw na kanin sa bigas malamang, pareho mo silang hindi mapapakinabangan dahil kapag nagtubig ang kanin, mahihigop ito ng bigas at pareho silang masisira.

Parang utak lang iyan. Kapag hindi tama ang pagkakagamit dito ay masisira ito.

2 thoughts on “Nagtatanong ka pa!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s